Friday, December 29, 2006

Ang taong 2006 bow!

Ang bilis 2007 na!!!
Kita mo nga naman parang whirlwind lang ang 2006 sa bilis.

Ngayong 2006…


…naging 22 ako.
…nag-celebrate ako ng birthday ko with the young girls in Marillac, this is a first. Sana maulit.
…nag-one year ako sa work ko.
…bumalik si daddy from work.
…naging orphans kami for a month.
…maraming umalis na malapit sa puso ko.
...marami ring bumalik na dating umalis.
...naging rollercoaster ride ang buhay ko, may lungkot at sayang walang kapantay.
…marami akong natutunan na hindi ko makukuha sa mga libro.
…nabasa kong muli ang The Alchemist, ang ganda talaga!
…nirecord ang aking boses at pinatugtog sa harap ng maraming tao, isang line lang naman pero kahit na hindi ko talaga linya yan.
…nagtagpo na rin kami ni Oluchi, ang aking ipod, salamat Target.
…lumipat na ako ng kwarto, mas malaking space, mas malaking closet.
…marami akong nakilalang tao at naging kaibigan.
…may iilan na tao na mas nakilala ko pang mabuti at di naman ako nagsisi.
…nagustuhan ko ang kulay brown at green. Ngayon ko lang sila naappreciate.
…may ilang bagay na nagdulot ng saya pero marami rin ang nagdala ng kalungkutan.
…nag-enrol ako sa Condensed World Mission Course.
…natutunan ang hiwaga ng giving.
…namiss ko lalo si Aleli kasi nag-dodorm na sya.
…ang kauna-unahang pasko na wala kaming Christmas Tree, pero hindi naman ibig sabihin malungkot kasi hindi naman yun yung source of joy diba.
…na-addict ako sa Oliver’s – tuna sandwich at isang creamy egg mayo nga please.
… dalawang beses akong nag-over-time ng isang buong month (or more pa ata).
…first time ko nagcommute ng super late sa Makati na nag-iisa, hehehe as if scary naman.
…maraming beses din ako na-late sa work.
…naging super blog stalker ako, hahaha binabasa ko lang naman eh, nakakatuwa kasi malaman na may kapareho ka or kaiba na insights about some things.
…naging avid reader ako ng inq7.net. Pati newspaper ko online na rin hehe.

…nakapag-badminton ako kahit mejo busy.
…marami akong activities na namiss sa church.
…na-realize ko na tumatanda na nga ako hahaha. Din a ko maka-relate minsan sa mga nteens.
…hindi ako nahilig sa anumang tv show except CSI.
…2 beses lang ako ng nagpagupit ng buhok.
…nadiscover ko si Ms. Melanie (Lanie for short) ng Going Straight na masarap mag-manicure at pedicure hehehe.
…for the first time na-irritate ako sa isang Neutrogena product, which is unbelievable dahil since high school na-try ko ng gumamit nun.
…marami akong kaibigan na kinasal or ikakasal. Yung pinsan ko rin pala kinasal.
…naeenjoy ko na ulit ang oatmeal.
…masyado akong natuwa sa pasta, pizza at gelato ng Amici di Don Bosco.
…marami akong bagay/luho na binili na hindi naman dapat, in short sayang na pera :c
…may mga
pangarap akong nabuo na sana ay magkatoo.
…mas naging conscious ako sa time, tipong super multitasker madalas. At alam kong mali yun – hurried sickness nga daw kung tawagin, palagi kasing nagmamadali kahit la naman reason.

…marami akong blessings na nareceive na maski hindi ko naman in-ask kay God eh pinrovide pa rin nya. Thank you Lord.

...na-realize ko ung mga attitudes ko na dapat baguhin at mga weaknesses na dapat i-overcome. Haay kakayanin!
…marami rin akong pagkakamali na nagawa pero importante natuto ako.
…mas unti-unti akong naliwangan kung ano nga ba talaga ang purpose ng buhay ko dito.


Sana mas maging makabuluhan ang darating na 2007 :o)

oOo

A happy, healthy, victorious New Year to everyone!!!